Vice Ganda VS. Jessica Soho.
Hindi ko maintindihan ang ibang tao kung bakit nakukuha pa nilang manuod ng mga comedy shows at comedy acts kung seseryosohin din naman nila yung mga binibitawang linya ng isang komedyante. Kaya nga joke di ba? Once na pinatulan mo ang isang joke, ikaw yung magmumukhang tanga. Sabi nga di ba, ang pikon talo.
“Ang hirap nga lang kung si Jessica Soho magbo-bold. Kailangan gang rape lagi. Sasabihin ng rapist, ‘Ipasa ang lechon.’ Sasabihin naman ni Jessica, ‘Eh nasaan yung apple?’”
Bakit kase kailangang iconnect agad sa issue ng rape ang simpleng joke kung malinaw namang nakasaad sa sinabi ng komedyante na ang tinutukoy na rape ay para sa mga Bold Movies. Kung sabagay, reporter nga naman si Jessica Soho at Arnold Clavio. Pero ang tanong, kung hindi si Jessica Soho ang binanggit niya at ordinaryong matabang babae lang jan sa kanto, would people react the same way? At isa pang tanong, bakit kailangang seryosohin ang isang joke? Feeling naman nila may mangrarape talaga kay Jessica Soho.
Sa tingin ko wala namang ginawang masama si Vice Ganda. Parte yun ng pagbibiro sa show niya. Ang joke na yun ay hindi para kay Jessica Soho. Para yun sa mga taong kaharap niya na nanunuod ng concert niya. Kung si Binay nga na OJT lang ng tatay niya na Senador na ngayon ay hindi napikon sa kanya, sana lang mas nilawakan na lang ng isang pinagpipitagang news anchor na matagal na sa serbisyo na magkaiba ang trabaho ng isang newscaster sa komedyante.
“This should not be about me but about the rape victims…” | Jessica Soho to Vice Ganda
Para sa mga rape victims agad with an ‘s’? Siya lang naman pinapatungkulan ni Vice pero idinamay pa ang lahat ng rape victim sa buong mundo. Yan tayo eh. Masyadong nag gegeneralize. Anong gusto niyang mangyare, tipong “Para sa lahat ng rape victim jan, ipaglaban niyo ang ating karapatan” Like what the fuck!?!
Sang ayon naman ako sa sinasabi nila na hindi mo kailangang manlait ng iba para lang magpatawa. andun na tayo eh. Kung si Dolphy nga naging Comedy King ng hindi nambubully sa mga hirit niya di ba? Pero ang sakin lang, may iba’t ibang atake ang lahat ng komedyante. At nasa tao na yun kung lalawakan nila ang pang unawa nila.
So para sakin, walang offensive sa ginawa ni Vice Ganda. Sayang nga lang at may mga taong propesyonal pero parang eskinita naman ang utak kung mag-isip. Ang mas nakakaoffend at kailangan ng matinding aksyon ay ang pagkanta ni Vice ganda tuwing magsisimula ang GGV.
Indeed. Masyado kasing sineseryoso, at umabot pa sa mga rape victims! JUSKO!
Anyways, I respect both sides.






